Ginisang Gulay (Sauteed Vegetables)
Galing sa opisina madadaanan namin yung grocery ng gulay - so parang gusto kong kumain ng gulay: kalabasa! so pasok ako at bili ng iba-ibang gulay at dumaan na rin dun sa tindahan seafoods sa kabilang street at bumili ng hipon na pangsahog. pagdating sa bahay nagsaing agad ako at niluto ko rin agad yung gulay. Madali lang - gisa-gisa lang naman eh...
Mga sangkap:
- kalabasa
- sitaw
- okra
- ampalaya
- hipon
- bawang
- sibuyas
- kamatis
- asin / paminta
- mantika
- oyster sauce (optional)
Pamamaraan ng pagluluto:
- hiwain ang kalabasa, ampalaya, sitaw at iba pang sangkap
- painitin ang kawali at lagyan ng mantika
- igisa: bawang, kamatis, sibuyas at hayaang maluto.
- ilagay ang hipon - hayaang maluto ng ilang minuto
- budburan ng asin at paminta- konti lang
- ilagay ang kalabasa, isunod ang amplaya,
- kapag nakuluan na, ilagay ang okra tapos sitaw.
- hayaan makuluan ulit ng ilang minuto lang.
- patakan ng konting oyster sauce (kung gusto niyo lang)
- tikman at timplahin ang asin kung kailangan.
- alisin sa kalan at angatan ang takip ng kawali para di maluto ng husto ang gulay.
Ihain habang mainit kasama ang bagong saing na kanin. Masarap kapag me pritong isda kaso "tom-jones" (gutom) na kami so minus ng yung isda.... :)
Labels: Vegetables
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home