mga luto ko

munting aklatan ng mga lutuin na nalaman, natutunan at minana ko sa lola orang ko, sa nanay ko, tiyahin, tiyuhin, mga kapatid, mga pinsan, mga kaibigan, at iba pa na hindi nagdamot ng kaalaman nila sa pagluluto ng kahit na anu-ano lang. i-share ko rin sa inyo, malay niyo magustuhan niyo version ko at version nila! paunawa lang po na di ako kasing-galing ng lola ko o ng nanay ko magluto - minsan tyamba lang! pero masarap naman (daw) ang kinalalabasan... :)

Name:
Location: Dubai, United Arab Emirates

a daughter, a sister, a mother, a friend ...

Saturday, May 06, 2006

Chicken Afritada

si friend dumaan sa bahay at inabutan akong nagpe-prepare ng lulutuin. ang putahe ko eh afritadang manok (yun kasi madali lang lutuin!)

inabutan niya ako na nagga-grind nang peppercorn. bakit daw di na lang ako bumili ng ground pepper – sabi ko naman eh gusto itong “feshly ground” baga – mas malasa…iba ang dating din kasi pag yung bottled ground pepper eh – saka mas mura – ‘yun yon! :)

Chicken Afritada

· Chicken – chopped in serving pieces
· Chicken liver / gizzards (gusto ko eh!)
· Potatoes – quartered
· Carrots – quartered
· Green/Red bell peppers – cut into 2” squares
· Onion – sliced
· Garlic - minced
· Bay leaf
· Soy Sauce
· Ground pepper
· Water
· Tomato sauce
· Vinegar (about 1 T.)
· Salt
· Oil

Wash chicken, liver/gizzards and drain. Arrange in a pot/casserole and add water, vinegar, soy sauce, half of the onion, half of the garlic, bay leaf, salt, pepper.

Put on fire and let boil till half done. (eto yung sabi ng lola ko na “singkutsa” – para daw matanggal yung lansa). Remove from heat.

In a wok, heat oil and sauté the garlic, onion. When the onion is cooked, scoop the chicken meat with a slotted ladle and add to the garlic/onion and let “roll” a bit in the oil (pagulungin daw sa mantika!), stirring to avoid burning and sticking to the wok. After 3-4 minutes, add the juice (or soup?) from the singkutsa and let boil.

Reduce heat to medium and add potatoes. After a minute, add carrots, cover. After a minute more add the bell peppers and tomato sauce. Let simmer on low fire. Adjust seasonings. When the veggies are half done – remove from fire. The heat will cook the veggies completely and they would not be soggy .

Ito ang ulam ko hmm…. amoy parang me handaan ! sarapppp . . . :) ‘lika na kain na tayo.

paalala ulit ha: hindi po ako nag me-measure kaya tantsahin niyo na lang po! saka hindi rin po ako talagang "cook" kaya di ko alam yung mga terminologies... pero i hope na understandable naman ito. yun lang! enjoy...

paalala ulit #2: saka na lang po 'yung picture....

1 Comments:

Blogger Unknown said...

hi aleth...thank you sa mga menu mo..nakatulong pra maalala ko un mga iba menu ng nanay ko..

maan

3:49 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home